Ano ang EB-5 Investment? 

May dalawang paraan sa pamumuhunan sa EB-5. Una ay ang direct investment sa isang commercial enterprise bilang general o limited partner, sole proprietor, shareholder ng isang korporasyon, business trust, o iba pa na pribado/pampubliko na pag mamay-ari ng kompanya. Karaniwang sa mga EB-5 investor ay namumuhunan sa mga Regional Center na itinalaga ng USCIS na mangasiwa sa mga EB-5 investment project, samakatuwid ay responsible sa regulasyon ng USCIS EB-5 program. Pangalawa ay ang pamumuhunan sa Regional Center kung saan maluwag ang regulasyon kumpara sa direct investments. Halimbawa, ang mga Regional Center ay maaaring makalkula at ma-verify ang paglikha ng trabaho na may pang ekonomiyang modelo na hindi tumutukoy ng kaibahan sa pagitan ng part-time at full-time manggagawa, kaysa pagpapakita ng talaan ng payroll. Bukod pa rito, ang mga Regional Center ay maaring mabilang ang indirect job sa job creation requirement. Ang mga ito ay ang trabahong nabuo sa labas ng “New Commercial Enterprise (NCE)”, pero naging resulta ng EB-5 investment sa NCE. Ibig sabihin, ang pamumuhunan sa mga Regional Center ay kadalasang may istraktura na kinasasangkutan ng maraming entidad pati ang kasunduan sa pag-utang.

Ano ang mga lamang ng pamumuhunan sa Regional Center?

Una sa lahat, dahil sa kailangan ng mga Regional Center na sumunod sa mga regulasyon ng USCIS, ang mamumuhunan ay hindi obligadong maging aktibo sa pamamalakad ng negosyo. Dahil dito, ang ganitong uri ng pamumuhunan ay nararapat sa mga nag nanais ng hands-off approach kung saan hindi sila responsible sa direktang pamamahala ng kanilang puhunan. Habang ang return of projects sa pamamagitan ng Regional Center ay mababa, ang propesyonal na tagapamahala ng proyekto ay titiyakin na matugunan ang lahat ng mga kinakailangan para sa EB-5 habang ang mamumuhunan ay maaaring matanggap ang kanyang green card ng walang problema. Sa pamamagitan ng mga Regional Center, ang pagpapatupad ng paglikha ng trabaho ay walang kahirap-hirap. Kagaya ng nabanggit, ang pamumuhunan sa Regional Center ay kailangan lamang mag resulta sa indirect job o induced job. Ang indirect job ay maaring trabaho na nilikha upang magsuplay ng mga kalakal at serbisyo sa EB-5 na proyekto, ang kanilang kita ay tataas, na magreresulta ng mas malaki na partisipasyon sa ekonomiya at mas marami pang trabaho ang malilikha sa buong sambayanan. Ang mga nalikhang trabaho ay kasama sa kwalipikasyon na kinakailangan sa pagproseso ng visa.