30 Taon ng Karanasan

Ang aming koponan ay binubuo ng mga kwalipikadong propesyonal na minsan rin nagnais na manirahan sa Estados Unidos. Naiintindihan namin ang iyong pag-dadalawang isip, pag-aalala at takot. Pinaka-importante sa lahat, naiintindihan namin na ang bawat sitwasyon ay magkaiba. Ang aming kumpanya ay mayroong 30 taon na karanasan sa pakikipag-ugnayan sa Wall Street, bumubuo ng mga gawaing pananalapi at sinusuri ang mga kumplikado at pribadong memorandum. Kami ay sanay na alamin ang mga panganib sa bawat pamumuhunan. Nagsasagawa kami ng mga direkta at hindi direktang mga mitigant upang makatulong sa pagpapagaan ng mga alalahanin ng mamumuhunan. Ang mga panganib na ito ay hindi natutukoy sa pamamagitan lamang ng simpleng pagbabasa ng dokumento. Dahil dito, kami ay nagtitiwala lamang sa pandaigdigang reputasyon ng isang isponsor na real estate na kumpanya. Aming pinapahalagahan ang iyong pagnanais na maintindihan ang mga detalye sa iyong pamumuhunan. Sa pamamagitan ng paggamit ng aming investment banking background, mabibigyan ng tuon na atensyon ang bawat alalahanin at lamang ng bawat proyekto.

 

Riverside Management Group bilang managing director noong Mayo 2016 upang pamunuan ang pangangalap ng EB-5 kapital at pagtatalaga ng mga gawain, sa pamamagitan ng subsidiary nito na BCW Securities LLC.
Siya rin ang isa sa mga tagapagtatag ng BH Capital Management, LLC, isang kumpanya na namumuhunan sa real estate na dalubhasa sa mga oportunidad sa pag-unlad at pamumuhunan.
Bago umanib sa RMG at tinatag ang BHCM, si G. Issever ay naging managing director sa The Bank of New York Mellon Global and Capital Markets na pinangungunahan ang derivative business ng firm tungo sa pandaigdigang pinansyal na institusyon.
Si G. Issever ay nasa Wall Street ng higit 30 taon at isa rin sa mga tagapagtatag ng derivative business sa Sakura Global Capital, isang Hapones na subsidiary bangko na umanib sa Sumimoto Capital Markets upang buohin ang SMBC Capital Markets.
Si G. Issever ay nagsimula sa kanyang Wall Street karera sa Prudential Securities’ Financial Strategies Group kung saan siya ay dalubhasa sa mortgage backed security opportunities tulad ng sa CMO, risk-controlled arbitrage transaksyon, pati ang iba pang asset backed securitizations kasama ang securitization ng mga policy holder loan.
Si G. Issever ay nagtapos sa Paaralan ng Wharton sa Unibersidad ng Pennsylvania kung saan niya nakamit ang kanyang MBA degree sa finance at MA sa ekonomiks.
Bago nag-aral sa Wharton, siya ay nagtapos mula sa Unibersidad ng Bogazici at Kolehiyo ng Robert sa Istanbul.
Siya ay nagsasalita ng Turkish (katutubo) at mahusay na Ladino Espanyol.
Siya ang pinunong tagapagtatag ng Aleph Learning Center, isang Hudyo na outreach organisasyon at miyembro ng lupon sa Manhattan Sephardic Congregation.
Siya ay mayroong serye ng 7 at 63 na mga securities lisensya.
Nakatira siya kasama ang kanyang asawa at tatlong anak sa lungsod ng New York.

Marko Issever

Chief Executive Officer

Niso Zakuto

Global Marketing Director

Si Niso Zakuto ay ang punong marketing direktor ng Amerika EB-5 Visa. Ang kanyang pangunahing pinagtutuunan ng pansin ay pag-ugnayin ang mga mamamayan ng Turkey na interesadong mag-immigrate sa Estados Unidos at alalayan sila sa EB5 proseso.
Bago sumali sa firm, si Niso ay nagtrabaho bilang software developer sa PrefectedTech sa Herusalem. Si Niso ay nasa industriya ng kompyuter ng humigit pitong taon.
Habang nagtatapos sa kanyang BS sa Information Technology at Computer Science mula Unibersidad ng Okan sa Istanbul, si Niso ay nagtrabaho bilang analyst sa Corvega, isang software development firm.
Si Niso ay mahilig sa mga hamon at umaasang magamit ang kanyang internasyonal na background pati ang kanyang kasanayan sa software development upang mapalawak ang hangganan ng EB-5 Visa.

Orihinal na mula sa lungsod ng New York, si Esther Malka ay nagsisilbi bilang outreach coordinator ng Amerika EB-5 Visa.
Si Esther ay kasalukuyang nag-aaral sa Yale University ng dalawang major sa Ekonomiks at Modern Middle Eastern Studies. Sa Yale, si Esther ay nagsisilbi bilang Outreach Koordineytor ng REACH, isang prgrama na dinesenyo upang ipares ang mga undergraduate ng Yale sa mga highschool seniors upang turuan sila ng proseso kolehiyo.
Si Esther ay isa rin koordineytor sa kompetisyon ng MMATHS, isang nasyonal na pang sekondaryang kompetisyon sa math na idinaraos sa Yale, kung saan siya ay malimit na nakikipag-ugnayan sa pamunuan ng sekondarya upang itaguyod ang MMATHS at ang kompetisyon.
Noon, si Esther ay nag-aral ng kumunikasyon ng isang taon sa Beit Chana Tzfat, Israel.
Saa pamamagitan ng kanyang kasanayan sa komunikasyon pati ang kanyang kaalaman sa internasyonal na pag-aaral at ekonomiks, si Esther ay nagsusumikap na bumuo ng tumpak at nakikipakiramdam na paligid sa Amerika EB-5 Visa upang ang aming mga mamumuhunan, developer sa real estate at mga kliyente sa Regional Center ay maging komportable sa aming serbisyo.

Esther Malka

Global Outreach Director

Pamela Pfeil

Chief Representative and Country Manager of Philippines

Si Pamela Pfeil ay ipinanganak at lumaki sa Pilipinas kung saan siya ay kasalukuyang namumuhay bilang isang Real Estate Broker at EB-5 Visa Consultant. Nang matapos niya ang sekondarya sa edad na 16 taon gulang at 20 taon gulang sa kolehiyo, siya ay nagturo sa elementarya habang nag-aaral ng edukasyon sa real estate. Si Pamela ay nakatira sa Makati – ang pinansyal na kapital ng Pilipinas, at malimit na nakikipagugnayan sa American at Philippine chambers of commerce. Sa kasalukuyan, si Pamela ay kumakatawan sa pinaka-matagumpay na real estate developer ng Pilipinas.