Marko Issever

Marko Issever

Chief Executive Officer

Ang aming tagapagtatag at CEO na si G. Marko Issever ay sumali sa Riverside Management Group bilang managing director noong Mayo 2016 upang pamunuan ang pangangalap ng EB-5 kapital at pagtatalaga ng mga gawain, sa pamamagitan ng subsidiary nito na BCW Securities LLC.
Siya rin ang isa sa mga tagapagtatag ng BH Capital Management, LLC, isang kumpanya na namumuhunan sa real estate na dalubhasa sa mga oportunidad sa pag-unlad at pamumuhunan.
Bago umanib sa RMG at tinatag ang BHCM, si G. Issever ay naging managing director sa The Bank of New York Mellon Global and Capital Markets na pinangungunahan ang derivative business ng firm tungo sa pandaigdigang pinansyal na institusyon.
Si G. Issever ay nasa Wall Street ng higit 30 taon at isa rin sa mga tagapagtatag ng derivative business sa Sakura Global Capital, isang Hapones na subsidiary bangko na umanib sa Sumimoto Capital Markets upang buohin ang SMBC Capital Markets.
Si G. Issever ay nagsimula sa kanyang Wall Street karera sa Prudential Securities’ Financial Strategies Group kung saan siya ay dalubhasa sa mortgage backed security opportunities tulad ng sa CMO, risk-controlled arbitrage transaksyon, pati ang iba pang asset backed securitizations kasama ang securitization ng mga policy holder loan.
Si G. Issever ay nagtapos sa Paaralan ng Wharton sa Unibersidad ng Pennsylvania kung saan niya nakamit ang kanyang MBA degree sa finance at MA sa ekonomiks.
Bago nag-aral sa Wharton, siya ay nagtapos mula sa Unibersidad ng Bogazici at Kolehiyo ng Robert sa Istanbul.
Siya ay nagsasalita ng Turkish (katutubo) at mahusay na Ladino Espanyol.
Siya ang pinunong tagapagtatag ng Aleph Learning Center, isang Hudyo na outreach organisasyon at miyembro ng lupon sa Manhattan Sephardic Congregation.
Siya ay mayroong serye ng 7 at 63 na mga securities lisensya.
Nakatira siya kasama ang kanyang asawa at tatlong anak sa lungsod ng New York.